
Isang pag-aalay ng sarili..
Isang pagbubukas para tawag ng iba...
... para sa iba’t ibang nangangailangang sektor sa lipunan
Pitong organisasyon na sa kabila ng magkakaibang paraan ng pagtugon ay pinagsama-sama upang paigtingin ang iisang adhikain: ang paglilingkod upang iangat at akayin ang ating mga kababayan mula sa anino ng kahirapan, kamangmangan, kapansanan at karahasan.
Mula sa paglalaan ng munting oras sa pamamagitan ng mismong pagbababad sa komunidad, sa paaralan at mga ospital
isang paghuhubog... isang paggagabay ang aming iniaalay upang sa pagtuntong ng bawat dapit-hapon ay panibagong paghihilom ng sugat na dulot ng kawalan at kakulangan ang aming maipaabot.
isang pagpupumilit na magdulot ng mumunting kagalakan, manghimok ng mga musmos na mga panaginip at mga payak na ngiti.. ng mga bukod-tanging ngiti...
...mga pinagtagpi-tagping ngiting nagpapaigting sa pagnanasa ng bawat isa na maging katuwang sa pagkamit sa mas maayos at mas hustong pamumuhay sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa bansa.
Taos-pusong at kusang-loob na pagtatataya ng sarili ang siyang handog.
Pitong organisasyon na handang tumugon .
Isang lupon.
Ito ang Sector-Based Cluster.
Click on the links below to go to Sector Based Cluster's organizations: